United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang bilin sa número 32 magaling ding inumin touing umaga, bago cumain nang anoman ang maysaquit. Cun ang saquit ay malaquing totoo, at hindi nagcacasiya itong man~ga gamot, sinabi co n~gayon, ay cailan~gang pambohan, ó ibabad ang maysaquit sa tubig na malamig, pati nang ulo ay bubusan naman nang malamig na tubig; datapoua bago pambuhan ay sasangrahan muna ang maysaquit.
Ang tauong binitay ó nagbicti ay cailan~gang sangrahan agad sa liig sa alin man sa dalauang ugat na pinan~gan~ganlang yugular, na doroon sa man~ga taguiliran nang liig, na macaapat man sa loob nang tatlong oras cun hindi nagcacasiya ang isang pagsasangra.
Cun baga malaqui pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay doonan ang maysaquit sa talampacan nang tapal na itinuro sa número 9; at cun hindi nagcacasiya ito, ay lag-yan sa talampacan din nang parapit número 36, at mauauala ang pamamaga nang muc-ha,t, liig.