United States or Marshall Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ni noong 1861 man ay wala tayong makikitang "voces". Tunay man ngang marami ang binago noon ng kahista gaya ng "balac-yot", "datapoua", "loualhati", "catouiran", "catao-an'", "hayin", "bitoin", "hocbo", "muc-ha", "caniya", "ayauan", "ac-yat", "cong", "condi", atbp. na ginawa niyang "balaquiot", "hucbo", "mucha", "cania", "aiuan", "aquiat", "cun" at "cundi", ay mapaninibulusan nating hindi niya mapagkakamalang gawing "voses" ang "voces". Kaipala'y isa rin niyang kamalian sakaling hindi amin, na parang nagagad na lamang namin sa "Kun sino ..." ang "suob" at "muog"; nguni't ang "voces" ay aming kamalian marahil.