United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa aming babayi, ani Eduvigis ay loualhati nang pan~galauang lan~git, ang cami tumama lalaquing mabait, marunong dumamay sa hirap at saquit. At cung mayroon pa sa sang maliuanag na isang lalaqui na iyong catulad, ó ibang Hortensiong asal na banayad maiisban-isban ang tindi nang hirap.
Ni noong 1861 man ay wala tayong makikitang "voces". Tunay man ngang marami ang binago noon ng kahista gaya ng "balac-yot", "datapoua", "loualhati", "catouiran", "catao-an'", "hayin", "bitoin", "hocbo", "muc-ha", "caniya", "ayauan", "ac-yat", "cong", "condi", atbp. na ginawa niyang "balaquiot", "hucbo", "mucha", "cania", "aiuan", "aquiat", "cun" at "cundi", ay mapaninibulusan nating hindi niya mapagkakamalang gawing "voses" ang "voces". Kaipala'y isa rin niyang kamalian sakaling hindi amin, na parang nagagad na lamang namin sa "Kun sino ..." ang "suob" at "muog"; nguni't ang "voces" ay aming kamalian marahil.