United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tungkol sa "magcatotoo", sa tulang: "aniya,i, bihirang balita,i, magtapát cong magcatotoo ma,i, marami ang dagdág". ay isa rin sa nasa aming siping pinag-aalinlanganan namin, kung ganyang nga kayang talaga ang nasa aming sinipian, o kung nagagad lamang namin sa "Kun sino ..." ayon kay De los Santos ay "magtotoo" iyan, at ganyan din ang na kay P. Sayo. At tila ganito nga ang tama.
Nagagad nga lamang sa "Kun sino ..." gaya ng pagkagagad sa dalawang huling "muog" at "suob". Ang dalawang salitang ito ay lalik ng mapaglarong pamimigkas, na kasamahan ng "buo", "nuon", "punon", "lieg", "puot" at iba't iba pang walangwala sa mga panahong yaon ni Balagtas.
Ni noong 1861 man ay wala tayong makikitang "voces". Tunay man ngang marami ang binago noon ng kahista gaya ng "balac-yot", "datapoua", "loualhati", "catouiran", "catao-an'", "hayin", "bitoin", "hocbo", "muc-ha", "caniya", "ayauan", "ac-yat", "cong", "condi", atbp. na ginawa niyang "balaquiot", "hucbo", "mucha", "cania", "aiuan", "aquiat", "cun" at "cundi", ay mapaninibulusan nating hindi niya mapagkakamalang gawing "voses" ang "voces". Kaipala'y isa rin niyang kamalian sakaling hindi amin, na parang nagagad na lamang namin sa "Kun sino ..." ang "suob" at "muog"; nguni't ang "voces" ay aming kamalian marahil.