United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun hindi paanyo ang pagputoc nang sibol sa baga, cundi nabububo ang nana sa loob nang dibdib, hindi mailulura nang maysaquit; bagcus siya,i, mamamatay na ualang pagsala, cundi hiuain sa pagitan nang dalauang tadyang; datapoua,t, cundi siya totoong marunong na médico, houag siyang man~gahas gumaua noon.
Dahilan dito sa pag-iinom nang marami, palibhasa,i, ang sicmura,i, naroong parating puno, ay malacas lumaban sa baga, at hindi pinababayaang mabubo ang nana sa dibdib, cundí pinipilit magpaitaas sa lalamunan, at cun gayo,i, mailulura nang maysaquit. Saca pinapag-uubo ang may catauan nang suca at tubig, na biglang isinusumpit sa loob nang bibig nang isang sumpit na munti, na cauayan man.
Datapoua,t, cun ang butas nang sibol ay munti nang macaputoc na, at ang maysaquit ay malacas pa, mailulura niya ang nanang lungmalabas, at gungmiguinhaua ang damdam. Cun minsan ang sibol ay hindi pumutoc, bagcus lungmalaqui, at ang boong baga nabubuloc at napupuno nang nana; caya mamamatay ang tauo na ualang magaua.
Salita Ng Araw