United States or France ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cun ang sibol sa loob ungmaabot hangan sa ibabao nang baga, at bucod dito hindi lubhang malalim, cun pumutoc ay nabububo ang nana sa loob nang dibdib sa pag-itan nang baga at tad-yang; itong pagca putoc ay mahirap, cun ang sibol ay malaqui, sapagca biglang lalabas ang maraming nana, at namamatay tambing ang maysaquit.
Cun hindi paanyo ang pagputoc nang sibol sa baga, cundi nabububo ang nana sa loob nang dibdib, hindi mailulura nang maysaquit; bagcus siya,i, mamamatay na ualang pagsala, cundi hiuain sa pagitan nang dalauang tadyang; datapoua,t, cundi siya totoong marunong na médico, houag siyang man~gahas gumaua noon.
Cun ganoon ang pag-gamot doon, ay cun minsan mababahao ang sugat nang sibol na nacaputoc sa loob nang bituca. Datapoua cun ang nana nang sibol, ay nabububo sa labas nang bituca, ay maliuag ang pag-gamot sa maysaquit. Ang gamot sa icalauang bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na dala nang apdo na tinuturan nang castilang cólico bilioso, ó cólico nang apdo.
Salita Ng Araw