United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya nang mausisa yaon, at nang matapatan nang gamot ang saquit, ay ito at ito ang itatanong sa maysaquit. Gaano catanda ang maysaquit. Cun hindi siya dating masasactin. Alin ang oficio niya, ó ang caniyang guinagauang dati. Anong quinacain niya. Cun ungminom nang alac. Cun siya,i, lungmalacad ó nananaog sa lupa. Cun lauon nang siya,i, maysaquit.

Gayon din, cun dati na siyang binabalin~goyn~goy, at saca nauala sa caniya yaon; cun ang pulso,i, puno at malacas; cun ang color nang balat niya ay mapula sa rati; cun ang caniyang pagcatulog ay mahaba sa rati, at hindi lubhang mahimbing; cun ga hinahapo agad pagca siya,i, gungmagaua nang anomang gaua, ó cung lungmalacad; cun baga siya,i, nalilio, lalo pa cun ibinababa niya ang ulo, at biglang itinataas; ang pagsaquit nang ulo cun hindi dating sungmasaquit; cun mainit ang pagcaramdam nang may catauan; cun ang caniyang pagcaramdam ay ga tinutudloc siya nang carayom sa boong catauan; lalo pa cun siya,i, napagal nang pag-gaua nang anoman; cun gungmiguinhaua ang pagcaramdam cun siya,i, binalin~goyn~goy.

Itong saquit na ito,i, totoong sama cun hindi pagcagamuting agad. Ang nararamdaman nang nagcacasaquit nang gayón ay ang man~ga ganito. Ang catauan niya,i, mabigat na totoo, na dahil doon ay aayao siyang cumibo. Ang man~ga casucasuan nang man~ga buto ay lungmalagutoc, cun lungmalacad ang may catauan. Ang hinin~ga mabaho, pati nang bibig cung lungmalaqui na ang saquit.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap