United States or Curaçao ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi makakatkat ang m~ga talata Na tikóm sa guhit n~g m~ga biyaya, At kung mayroon pang tagistis n~g luha Ay luhang nanggaling sa pagkariwara. Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad Ay may m~ga bagay na nan~gasusulat, Diyan makikita ang mukhang may hirap At pusong malaong lunod sa pan~garap.

Nasa sandaling iyon n~g pagkatila hinahalong binusa ang m~ga panauhin n~g makata, na, mayroong bumubuklat sa m~ga dahong sariwa n~g kanyang kalupi, kaluping kinatitipunan n~g sarisaring hiyas at kayamanan n~g tulang tagalog, mayroong naghahamon n~g ahedres, domino at dama, saka mayroon pang nagaagawan sa paghanap n~g larawan ni Teang sa makapal na album na inabutang nasa ibabaw n~g sulatan nang walang anoano'y nakarinig sila n~g m~ga kaluskus n~g isang sasakyang biglang tumigil sa tapat n~g bahay.

Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya, talutot na ginto n~g isang sampaga, kalupi n~g buhay, hamog sa umaga, Bathalang ang awa'y hindi magbabawa, kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa, timbulan n~g palad sa m~ga parusa, tinig na mayumi n~g mahinhing maya.

Ikaw ang pumukaw sa aking panulat upang maawit ko ang yumi mong in~gat, ikaw ang sa aking kalupi n~g palad ay unang nagtitik n~g isang pan~garap. Ipagpatawad mong sa iyo'y sabihing ikaw ang bathalang pumukaw sa akin, ikaw ang nagbukas sa aking damdamin n~g lihim at unang pinto n~g paggiliw.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap