United States or Sri Lanka ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang hinhin, yumi, kahihiyaan ... ¿ano ang m~ga katagang ito kundi m~ga patibong lamang na nililikha n~g Kapisanan upang mapagkasanhian n~g pagkaduhagi n~g m~ga kaloobang madaling malamuyot at n~g m~ga damdaming walang tatag sa pakikilaban sa habagat n~g buhay? Ang tunay na tamis n~g buhay ay wala sa parating pagpapakunwari, sa pagimpit na palagi sa m~ga dalisay na itinitibok n~g damdamin.

Nasa sa iyo n~ga ang lahat n~g bagay, Ang ban~go, ang tamis, ang kasariwaan, Ang yumi, ang awit, ang uri, ang kulay Ang hamog, ang sinag, ang tuwa't ang buhay. Ikaw'y pagpalain, dalagang mapalad, Ang kagandahan mo'y aking ikakalat Sa silong n~g lan~git, sa Sangmaliwanag. Kung may naghahanap sa bukang liwayway Sa kabataan mo ay matatagpuan, ¡Di ko malilimot ang ganda mong iyan!

Ikaw ang pumukaw sa aking panulat upang maawit ko ang yumi mong in~gat, ikaw ang sa aking kalupi n~g palad ay unang nagtitik n~g isang pan~garap. Ipagpatawad mong sa iyo'y sabihing ikaw ang bathalang pumukaw sa akin, ikaw ang nagbukas sa aking damdamin n~g lihim at unang pinto n~g paggiliw.

Ang kabuuan ng aklat ay maiwawangis sa isang halamang hitik sa mga bulaklak ng pusong tunay na tagalog, pusong gaya ng kay Edeng na pinagtipunan ng yumi at hinhin, ng hinhin at bait, bait at hinhing aring ari lamang ng mga dalaga sa lupaing ito.

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap