United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi makakatkat ang m~ga talata Na tikóm sa guhit n~g m~ga biyaya, At kung mayroon pang tagistis n~g luha Ay luhang nanggaling sa pagkariwara. Sa aking kalupi, sa aklat n~g palad Ay may m~ga bagay na nan~gasusulat, Diyan makikita ang mukhang may hirap At pusong malaong lunod sa pan~garap.
Dahil sa ang iyong m~ga gawang katha Ay nan~gasusulat na lahat sa tula, M~ga tulang hindi pangsira sa wika At bagkus pangayos, pangbuhay sa diwa. N~guni't sa limbagan n~g Pamahalaan Nang aking mamalas iyong kabataan: Yaong paghan~ga ko'y lalong naragdagan At halos di kita mapaniwalaan.
Salita Ng Araw