United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang lahat nang ito,i, natatantó nang lasing, n~guni di pinapansin, at palibhasa,i, di mapaglabanan ang masamang caasalán. Ang tiyan nang man~gin~ginom ay maipag hahalimbaua sa isang pusalian, na sinisin~gauan nang lalong cabaho bahoan na sumisin~gao sa catauan, caya cahit ualang lamang alac, ay quinasusuclamán nang capoua tauo, ayao lapitan, at palibhasa,i, nacahihilo.

Cun ang batang iya,i, lumaqui,t, maguiguing baguntauo, icao ay lumamagay na parang pan~galauang ina, at ipan~garal mo yaong magandang hatol ni Tobias sa anac: houag cang maguicain at maqui-inom sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nila . Cun ang tamaan ni Honesto ay man~gin~ginom, mauilihin sa taberna, ay di malaon at cun áno ang asal nang casáma ó caibigan, ay siya namang aasalin.

Sa icalabindalaua nang capitulo nang Eclesiastes, ipinagbibilin nang Dios Espiritu Santo, na magin~gat nang magandang pan~galan, ang cahulugan, ay ang boong caasalan nang tauo, ay itutonton sa matouid, ang gaua at pan~gun~gusap ay i-aalinsunod sa utos nang religion Santa nang icararapat sa Dios at pagcamit nang puri nang tauo, n~guni ang santa religion, ang puri at lahat camahalan ay hinahamac na lahat nang man~gin~ginom.

Cahiman Felisa,i, malayong malayo sa cabaitan ni Amadeo ang manampalasan sa iyo, ay sinaysay co rin ang man~ga bagay na ito, nang may pagcaaninauan ang iba. Sasalitin co pa sa iyo ang asal na cauili uli nang isang babaye, na naguing comare co nang aco,i, bata pa. Ang asaua nang babayeng ito ay tamád sa paghahanap buhay, mauilihin sa sugál at man~gin~ginom.

Ang cayamana,i, hindi lalagui sa man~gin~ginom, at palibhasa,i, iuauasac nang alac, gayon ang sabi ni Salomón sa proverbios: at siya naman naquiquita natin sa arao arao. Sa umaga, sa tanghali,t, sa hapon nagdidilim sa tauo ang tindahan nang alac; diyan maquiquita ang ualang bait na guinoó, na di nagbibigay puri sa caniyang calagayan, at siya ang maestro sa pagtatagayan.

Ang lalong mariquit na culay ay cumucupas, ang muc ha ay namumutlá, ang matá ay naninilao, ang catauan ay nan~gan~gayayat, nalulupaypáy ang licsi nang cabataan, ang siglá nang edad na catanghalian, ang ningning nang cagandahan, ay inaaglahing lahat nang alac: at sa muc-ha nang man~gin~ginom ay gauari may naguguhit na malaquing letra, na cahit sa malayo,i, nababasa ang ganitong, pan~gun~gusap: aco,i, tauong lasing.

Ano pa n~ga,t, ang quinahinatna,i, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa sinisin~gauán nang apóy na sari saring culay, nang pagtatalo nang magasaua nang hapis at cagulohán nang boong sangbahayan: at escandalo nang capit-bahay. ¡O cahapis hapis at cahabág-habág na man~gin~ginom! verdugo ca nang asaua mo, escándalo ca nang bayan at luha nang sangbahayán.

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap