United States or United States Minor Outlying Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang quinahinatna,i, siya,i, nagcasaquit cataua,i, humina,t, naratay sa baníg, sa canya ay uala sinomang nalapit na tumin~gin baga at mag malasaquit. Sa bahay na canya na tinutuluyan hindi naman siya pinaquiquialman, maliban cay Juang canyang caibigan ang napaparoo,t, siya,i, dinadalao.
Ano pa n~ga,t, ang quinahinatna,i, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa sinisin~gauán nang apóy na sari saring culay, nang pagtatalo nang magasaua nang hapis at cagulohán nang boong sangbahayan: at escandalo nang capit-bahay. ¡O cahapis hapis at cahabág-habág na man~gin~ginom! verdugo ca nang asaua mo, escándalo ca nang bayan at luha nang sangbahayán.
Sa ganitong uica, magiinoman na naman, man~gagtatagayan uli, at uiuicain; ang quinacain nang tauo,i, di sa cagutuman, cun di sa alang alang. Sa inolit olit náng paginom ay nan~galasing ang tumagay at tinagayan at ang quinahinatna,i, natapos ang hinanap sa maghapon, nagcautang pa sa taberna, at ang inaoui sa asaua,t, anac ay alac at utang.
Salita Ng Araw