United States or Montserrat ? Vote for the TOP Country of the Week !
Diyan nasisira ang bait nang binata, at diyan natatapos ang hinahap sa maghapon nang pobreng cantero, carpintero, banquero, anloagui, magsasaca at iba pang upahan. Pagtangap nang upá, bago omoui nang bahay, daraan sa taberna, at ang uica,i, lalagoc nang isang lagoc, yaon na ang alio.
Cun ang batang iya,i, lumaqui,t, maguiguing baguntauo, icao ay lumamagay na parang pan~galauang ina, at ipan~garal mo yaong magandang hatol ni Tobias sa anac: houag cang maguicain at maqui-inom sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nila . Cun ang tamaan ni Honesto ay man~gin~ginom, mauilihin sa taberna, ay di malaon at cun áno ang asal nang casáma ó caibigan, ay siya namang aasalin.
Pasoquin cun ibig ang bahay nang masasamang piguing, malasin ang pagpupulong sa man~ga taberna, at diya,i, maquiquita ang man~ga casalanang ito. Siyang naquiquita sa man~ga lugar na iyan, at siya rin namang saysay nang Dios Espíritu Santo sa capitulong icadalauang puo,t, tatlo nang proverbios.