United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


May isang babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa laró, ay di naiinip, at palibhasa,i, malaqui ang pagcaibig. Sa guinayon-gayon ay di dinatnan nang saquit. Gayon man ay di pinapansin at nagsugal din. Isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca-raca,i, sumuca siya nang dugó, inabot nang camatayan. Ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay.

Sa nangyaring ito ay naquiquita natin ang pagtatapat, at madaling pagtulong ni San Josef sa man~ga mauilihin loob sa caniya, cun siya ay tinatauag sa man~ga hirap at pan~ganib, at ang cagandahan nang loob niya sa caonting hinihin~gi, bagaman lubhang mahalaga ang ibinibigay, at hindi n~ga hamac na biyayá ang buhay nang dalaoang Franciscanos, na inin~gatan at inagao sa cabagsican nang dagat.

May isang batang may loob sa Dios, mauilihin sa pagcocompisal at paquiquinabang, na sinabi nang caniyang confesor na di nagcasala nang daquila, mula nang magca loob. Isang arao na siya,i, naglilibang, nacatagpo nang isang masamang bata, na nacasira nang caniyang cabanalan. Ualang málay malay sa pagcacasala, ay tinuruan nang paraan nang malupit na batá, sa paggauá nang masamá.

Gayon din naman, cun mauilihin sa paquiquipag uriraan sa lalaqui, ang hipoin man sa camay ay di pinapansin, ay di dapat calin~gatan nang magulang. Ang uica ni San Pablo ay isang cabaitan nang lalaqui ang di sumaláng sa babaye; ay isa namang tanda nang cabaita,t, calinisan nang isang dalaga ang di pahipo sa lalaqui.

Iamó natin sa pamamaguitan ni María at ni Josef, na huag tayong mahulog cailan man sa casalanang mortal, nang huag mauala sa atin si Jesús, at siya ay mapanood sa calualhatiang ualang han~gan. Man~ga salitang nagpapaquilala nang malaquing aua at capangyarihan nang Patriarca San Josef sa man~ga biyayang nacamtan nang man~ga mauilihin loob sa caniya.

Cahiman Felisa,i, malayong malayo sa cabaitan ni Amadeo ang manampalasan sa iyo, ay sinaysay co rin ang man~ga bagay na ito, nang may pagcaaninauan ang iba. Sasalitin co pa sa iyo ang asal na cauili uli nang isang babaye, na naguing comare co nang aco,i, bata pa. Ang asaua nang babayeng ito ay tamád sa paghahanap buhay, mauilihin sa sugál at man~gin~ginom.

Aco,i, nagaamo-amo sa iyo mabunying Doctor, na nacaliuanag sa boong sangmundo, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoon Dios na pagcalooban aco nang loob na mababa at mauilihin sa aral na itinuro mo,t, itinuro nang Ina nati,t, maestrang santa Iglesia, apostólica, romana.

Ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag lumabis. Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na baual at malacas. Ang icasampo ay huag maramot at huag náman sambulat. Ang icálabing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios.

Mauilihin sa pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan, pipitás nang san~gáng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,t, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap nang larauan ni Guinoong Santa Maria; isáng azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga Virgenes ay linalangcapán nang tatlong Aba Guinoong Maria . Cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitlâ nang caniyang inocenteng labi, ay quinalulugdan nang Dios na Sangól, na hari nang man~ga inocentes.

Ang mauilihin loob at matiagâ sa pagninilay, sa paquiquinig, ó sa pagbasa, ay maquiquita sa ibang libro nang mahahabang babasahin ó dadasalin. Isang Ama namin, isang Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri. sa Pintacasi natin si San Josef, ang hinihin~ging parang limos na nang tumagalog nitong mahal na devocion.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap