United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa icalabindalaua nang capitulo nang Eclesiastes, ipinagbibilin nang Dios Espiritu Santo, na magin~gat nang magandang pan~galan, ang cahulugan, ay ang boong caasalan nang tauo, ay itutonton sa matouid, ang gaua at pan~gun~gusap ay i-aalinsunod sa utos nang religion Santa nang icararapat sa Dios at pagcamit nang puri nang tauo, n~guni ang santa religion, ang puri at lahat camahalan ay hinahamac na lahat nang man~gin~ginom.
N~guni, at sapagca ang lahat nang gagauin nang tauo, ay i-aalinsunod sa regla, cun ang pagaalio, na isa rin namang cabanalan ay napapasinsay ó napapacalabis, ay naguiguing vicio. Ang paglalaró nang bata sa capoua báta, ay ilalagay sa catamtaman at houag itulot sa caniyang puso ang anomang camalian na icapipintas sa caniyang asal.