United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Magaling din sa man~ga bata sa panahong tag-bulutong, ang sila,i, pambohan, ó bañusan man lamang sa tubig na malacuco cun gab-i. At saca painuming parati nang suero, cun baga ang bata,i, hindi yayat ó magasactin; at cun yayat hindi sucat big-yan nang suero. Cun gayon ang gaua nang tauo,i, bulutun~gin man siya, ó ang caniyang man~ga anac ay caalamalam hindi lalaqui ang saquit.

Cailan~gan namang sangrahan, lalo pa cun magaling ang catauan ó cun mayroong maraming dugo; cun ualang maraming dugo, ay cailan~gang purgahin nang bilin sa número 24, ó sa número 32. Ang iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2 Maigui ring bañusan nang malacucong tubig hangan tuhod, at cun mahirap ang pagcaramdam niya ay ahitin ang ulo touing lingo.

Touing oras ay paiinumin nang isang taza nang turo sa número 32, ó cun ualang sampaloc, ay na-aari ang timbang saicaualong crémor. Maigui ring bañusan ang maysaquit hangang tuhod, at lag-yan sa tiyan nang basahang babad sa malacucong tubig. Cun baga totoong laqui nang saquit nang sicmura ó tiyan, at ang pulso ay malacas, at ga mabagting, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit.

Ang man~ga babaying maramdamin ó mahina, ay malimit daanan nang pamamanghid nang paa, ó camay ó nang ibang casangcapan nang catauan, lalo pa cun sila,i, nahihiga. Ang magaling sa gayong saquit ay ang parapit número 36. Cun minsan mauauala rin ang saquit, pag bañusan arao-arao ang may catauan hangan tuhod sa malacucong tubig.

Cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailan~gan doonan nang tali sa ilalim nang tuhod at sa ibabao nang man~ga sico. Ang isa pang totoong galing dito ay bañusan nang malacucong tubig hangan tuhod.

Cun munti ang saquit, magpaanyo lamang ang may catauan, at maghusay sa caniyang pagcain, sa pag-inom, at sa pag-gaua, ay hindi cailan~gang sangrahan. Datapoua,i, magaling na lalo ang sangrahan, at painumin nang bilin sa número 2. Saca bañusan hangan tuhod ang maysaquit cun umaga, at sumpiting minsan cun hapon. Tatapalan naman ang caniyang liig nang bilin sa número 9.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap