United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pag nacasibol na itong bulutong ay pagmamasdang magaling, cun yao,i, bulutong na totoo, ó hindi; at cun hindi totoong bulutong, ay cailan~gang magpatanim uli ang may catauan. Cun panahong tag-bulutong, ang aayao bulutun~gin houag cumain nang marami, lalo pa cun gab-i; saca pipili nang magaling na cacanin, at houag siyang tumiquim nang man~ga ano-ano. Ang man~ga gulay ay lulutoing magaling.
Magaling din sa man~ga bata sa panahong tag-bulutong, ang sila,i, pambohan, ó bañusan man lamang sa tubig na malacuco cun gab-i. At saca painuming parati nang suero, cun baga ang bata,i, hindi yayat ó magasactin; at cun yayat hindi sucat big-yan nang suero. Cun gayon ang gaua nang tauo,i, bulutun~gin man siya, ó ang caniyang man~ga anac ay caalamalam hindi lalaqui ang saquit.
Salita Ng Araw