United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bucod dito touing gab-i ualang liban, babañosan ang maysaquit nang tubig na malacuco hangan tuhod, at paiinumin nang bilin sa número 20, timbang sa ica-ualo; houag namang big-yan nang carne at alac , lalo pa cun gab-i. Cun ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang pinacasin~gao ó pinacataib nang catauan na ungmaanod at napaparoon sa n~gipin, hindi lubhang malaqui ang saquit.

Tungcol sa husay nang maysaquit, cailan~gan ang houag siyang cumain nang maraming carne; saca magin~gat sa alac, sa man~ga mahanghang at sa man~ga mainit; at nang lumaqui ang cabagsican nang mercurio, susumpitin ang maysaquit touing arao, at babañosan arao-arao sa malacucong tubig hangang tuhod. Ang caniyang iinuming parati ang bilin sa número 2.

Gayon din, cun ganoon ang lagay nang maysaquit, ay susumpiting macaitlo, ó macaapat maghapon, at babañosan sa paa hangan tuhod na macalaua maghapon din. Saca inaalis ang maysaquit doon sa quinahihig-an, at pinalulucloc sa luclucan sa isang silid na maaliualas, han~gan sa siya,i, macapagtiis doon.

Ang pagbabaños ay paparatihing gagauin, sapagca totoong igui sa saquit na ito. Datapoua cun ang maysaquit ay malubha, ang boong catauan ay babañosan; saca susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan.

Ang nagcacasaquit nang gayon, cucunang agad nang maraming dugo, saca babañosan sa tubig na malacoco.

Marami ang namamatay dahilan dito. Pag sungmasamá ang damdam at nahahalata na ang dahilan nang saquit ay ang pagtahan sa malamig, ang maysaquit cucunan nang dugo pagcaraca, babañosan nang tubig na malahinin~ga, at paiinomin nang bilin sa número 1, na malacoco cun inumin. Masamang painumin nang gamot na papauis, at lalaqui ang saquit.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap