United States or Saudi Arabia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong saquit na pan~giqui ay marahil dumaan doon sa man~ga baybay nang dagat, ó ilog na malaqui, ó doon sa may man~ga tubig na tahan na hindi ungmaanod. Cun minsan itong saquit ay dala nang pagcain nang bun~ga nang cahoy na hindi pa hinog, ó dala nang lamig nang gabi. Bagaybagay ang pan~giqui.
Ang uica naman ni Rivera, na ang totoong galing sa sibol na yao,i, ang palaca sa ilog, yaon bagang palacang tungmatahan sa tubig na ungmaanod; saca pinipisa ang ulo, at pinapatay, bago bia-quin at itapal sa sibol; touing icalauang oras ay pinapaltan nang ibang palacang bago; at sa loob nang isang arao ay gungmagaling ang maysaquit, at ang ugat nang sibol ay madadala tuloy nang palaca.
Bucod dito touing gab-i ualang liban, babañosan ang maysaquit nang tubig na malacuco hangan tuhod, at paiinumin nang bilin sa número 20, timbang sa ica-ualo; houag namang big-yan nang carne at alac , lalo pa cun gab-i. Cun ang dahilan nang saquit nang n~gipin ay ang pinacasin~gao ó pinacataib nang catauan na ungmaanod at napaparoon sa n~gipin, hindi lubhang malaqui ang saquit.
Salita Ng Araw