United States or Colombia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Gayon din, cun ganoon ang lagay nang maysaquit, ay susumpiting macaitlo, ó macaapat maghapon, at babañosan sa paa hangan tuhod na macalaua maghapon din. Saca inaalis ang maysaquit doon sa quinahihig-an, at pinalulucloc sa luclucan sa isang silid na maaliualas, han~gan sa siya,i, macapagtiis doon.

Ang maysaquit ay pinalulucloc sa sahig nang bahay, at ang gungmagamot sa caniya,i, lungmalagay na tindig sa licod nang maysaquit; ipinapasoc sa bibig nang maysaquit sa ibabao nang bag-ang ang dalauang hinlalaqui nang camay, at ang ibang man~ga daliri inilalagay sa ilalim n~g sihang; pagca gayon na ang taya nang dalauang camay nang gungmagamot, ay idiniriin ang sihang na pailalim, at sa dacong licod n~g maysaquit, hangan sa sungmoot sa lugar niya.

Susumpitin naman siyang macaitlo cun arao, at macaitlo cun gabi, nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na may casamang caunting lana, ó lan~gis na bago nang niyog . Saca pinalulucloc na parati ang babayi sa tapat nang isang palioc na puno nang tubig na mainit, at pinasisin~gauan siya roon, sapagca ang sin~gao nang mainit na tubig ay nacacalambot agad sa catauan.

Ang gagauin cun gayon, ay tatalian ang camay sa ibabao nang sico, at hihilahin nang dalaua catauo ang magcabilang dulo nang tali; ang maysaquit ay pinalulucloc sa lupa, ó sa sahig nang bahay. Saca ang gagamot doo,i, cucuha nang isang servilleta, ó paño man; na pararaanin sa ilalim nang camay nang maysaquit, at ang dalauang dulo nang paño ay bubuhulan.