United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ualang mapagquitaan nang man~ga bilin sa itaas, itong ibang man~ga sasabihin co n~gayon ay siya ang gagamitin, sapagca totoong igui naman, at ang isa pa,i, dito rin sa lupang ito naquiquita. Datapoua houag mong isasangcap sa purga ang hindi tuyong tuyong damo, sapagca cun sariua,i, hindi natatalastas ang cabagsican.

Cun baga malaqui ang lagnat nang maysaquit, ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa número 10, ó damidamihan cun baga cailan~gan. Itong ganitong gaua ay totoong igui sa maysaquit at di man matulog siya,i, ay hindi naman ma-aano, baquit macacasama bagcus sa caniya ang pagtulog; at ang isa pang hindi icatutulog niya, ay ang malimit na paglura, na masamang tumahan at mauala.

Ang pagbabaños ay paparatihing gagauin, sapagca totoong igui sa saquit na ito. Datapoua cun ang maysaquit ay malubha, ang boong catauan ay babañosan; saca susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan.

Totoong igui dito naman ang matigas na colatcolat, ó yaong tila cabuti número 67, na sungmisibol sa alibangbang, ó sa palsahin~gin ó sa ibang cahoy; ang unang balat sa ibabao ay inaalis nang sundang; ang icalaua,i, quinacayod, at ang pinaca cigaroong hilas, ay pinagugulong doon sa pinagcayoran nang colatcolat, nang maniquit sa hilas at saca isinosoot sa ilong; at houag ogcain doon maampat man ang dugo, cundi pabayan doon; at siyang cusang malalaglag, pag nacalalo ang ilang arao.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap