United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tila mandin hindî ninyo nalalaman ang lupaíng kinalagayan natin; hindî ninyo nakikilala ang m~ga cababayan natin. Ang m~ga fraile'y mayayaman at nan~gacacaisa; tayo'y nagcacáwasac wasác at m~ga dukha. ¡Siya n~ga! ¡ticman ninyong siya'y inyóng ipagmalasakit, at makikita ninyóng cayo'y pababayaan n~g ating m~ga cababayang mag-isa sa m~ga sagutin!
¿At cung bumábalic na tayo sa báhay? ang isinalabat namán n~g isá, na hindî nagpabayang macatapos ang nagsásalitâ; náraratnan nating wasác ang m~ga tuláy na cawayan, at pagcacagayo'y napipilitan táyong tumawíd sa ílat ... ¡ang m~ga tampalasan!
Sa isáng dúlo n~g salas na napapapamutihan n~g maruruming m~ga "cortinang" pulá, natatagò ang larawan n~g hári, na nacasábit sa pader, nacapatong sa isáng tarímang cáhoy ang isáng lúmang sillóng nacabucá ang canyáng wasác na m~ga brazo; sa harapa'y may isáng malakíng mesang cáhoy na narurun~gisan n~g tinta na may m~ga úkit na m~ga salitâ at m~ga únang letra n~g pan~galan cawan~gis n~g marami sa m~ga mesa sa m~ga tindahan n~g álac at cerveza sa Alemania, na caraniwang paroonan n~g m~ga estudiante.
Salita Ng Araw