United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Aking pinasuso at inalagaan ang tatlo, ang aking anak at ang mga ulila, ako nuo'y bata at malakas, kumain akong mabuti at nagkaroon ako ng saganang gatas, at ako'y pinagpala ng di kawasa ng Panginoon. Pinasususo ko ang dalawahg bata at naghihintay ang ikatlo, pagkabusog ng dalawa, ay saka ko pinasususo ang ikatlo at ipinagkaloob sa akin ng Diyos na sila'y aking mabuhay.