United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang mga bata ay nagsibitiw sa sinapupunan ng ina at ang bangkay, sa pagkabuwal sa tagilirang kaliwa, ay nadaganan ang paa ng isa sa mga bata. Ng ako'y nakatayo sa may dakong itaas ng nayon upang dalhin ang kaluluwa sa Maykapal ay hinadlangan ako ng isang buhawi, nanghina ang aking pakpak at nangatikom: Ang kaluluwa ay naipalanlang sa langit, at ako'y napalugmok sa lupa sa tabi ng lansangan.