United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nacapatong si San Diego de Alcalá sa isáng carrong napapamutihan n~g m~ga planchang pílac na nabuburdahan. May malaking capayatán ang Santo, garing mulá sa úlo hanggáng bay-awang, magagalitín at nacacaaalang-alang ang anyô n~g pagmumukhâ, baga mán culót ang buhóc sa úlo, na catulad n~g m~ga ita. Sutlang raso na nabuburdahan n~g guintô ang canyáng pananamit.
Tumiguil ang carro sa tapát n~g isáng báhay na sa m~ga bintanang napapamutihan n~g maririkit na m~ga pangsampáy (colgadura) ay nacasun~gaw ang Alcalde, si capitang Tiago, si María Clara, si Ibarra, ilang m~ga castil