United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nguni't sa kalakhan n~g haring pag-irog: itong kapalaran ay naninikluhod palibhasa'y siya'y nahahandang lingkod sa anomang bagay na ipag-u-utos. Makáhahalakhak kung pagwawariin ang katuwiran mong panagot sa akin, ¿diyata't sa dahás n~g haring pag-guiliw, itong kapalara'y talagang alipin?
Isang katunayan, dapat na mamalas ang pagkakagutom nating linalasap; tayong taga rito siyang walang bigas at naninikluhod sa dayuhang lahat. N~gayo'y nakilala, na ang kayamanan at pagkakasulong n~g alin mang bayan, wala sa naglisaw diyang maaalam kundi sa kalakal, pagsasakang hirang.