United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nangguiguitnâ si María Clara cay Victoria at cay Iday, sumusunod sa licuran si tía Isabel. Nagwawahi ang tao sa udyóc n~g paggálang, at n~g sila'y mabigyáng daan. Puspós n~g catacatacang cagandahan si María Clara: napáwi ang canyáng pamumutlâ, at cung nananatiling tila may iniísip ang canyáng m~ga mata, ang canyáng bibig namán ay warì'y waláng ibang nakikilala cung hindî ang n~gitî.