United States or United Arab Emirates ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang bun~ga n~g cutad na isip cong taglay bun~gang namuco n~ga sa ualang capantay, na pagmamasaquit sa bayang linac-han bayang mapagtiis tanang cahirapan. At sa catunayan nitong hinanaquit di aco titiguil amomang masapit, hindi magsasauang manin~gil na tiquis sa m~ga umapi sa bayan cong ibig.
Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib, tapát na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni-guni'y linupig na tiquís. Cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may ganáp na bait camahalang in~gat, macapagpupuno sa caculan~gang lahat.