United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lan~git ang gumanti sa iyong pag-ibig nang ligayang hindi sucat na malirip; aco,i, iniuan mo sa madlang pan~ganib, ¡oh pan~gun~gulila na cahapis-hapis! Di co na narinig cahit alin~gao-n~gao nang iyong pagtauag na lubhang malayao: aco,i, iniuan mo sa capighatian, nacaisa-isa,t, ualang caaliuan.
Cong sa cabaita,i, ulirán n~g lahát at sa catapanga,i, pang-úlo sa Ciudad, ualáng casingdúnong mag mahal sa anác, umacay, magturo sa gagauing dapat. Naririn~gig copa halos hangan n~gayón malayao na tauag n~g amá cong poon, niyaóng acó,i, bátang quinacandóng-candóng, taguríng Floranteng bulaclác cong bugtóng.
Salita Ng Araw