United States or Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Anó ang ating gagawín sa apat na m~ga hermano mayor! ang ipinatúloy n~g matandâ. ¿Anó ang cahulugan niyóng m~ga inahíng manóc, m~ga capón at m~ga lechóng itatapon sa dagatan? ¡Cahambugan! ang sasabihin n~g m~ga calapit-bayan natin, at pagcatapos ay magsásalat tayo sa pagcain sa loob n~g calahating taón. ¿Anó't makikiwan~gis táyo cay Sila ó sa m~ga romano man? ¿Tayo ba'y inanyayahan minsan man lámang sa canilang m~ga fiesta?