United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Minsáng itinulak ang pintûan, patakbóng pumasok sa loób, at hálos sa isáng lundág lamang ay dumatíng sa itaás n~g bahay. Nang naroroón na'y isáng káluskusan sa may dakong silíd ang kanyáng náhiwatigan. ¿Sinó ang nag-uusap na naririníg ko? ¡Tinig ni Pati ang isá at ang isá ay tinig lalaki! ¡N~gitn~git n~g Dios! ... ¡tinátaksíl akó! ¡¡tinátaksíl akó!! ¡¡¡tinátaksíl akó!!!...