United States or Paraguay ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang matapos na masulatan ang kaputol na papel na iniwan sa ibabaw n~g altar ay kinandóng ang katawán n~g nábulagtang dalaga at inilabás sa durun~gawan. Iwan natin siya na dalá ang mayamang pasán at ang ipatuloy ay ang pagsasalaysay n~g nangyayari sa kabahayán. Tumugtog ang ika apat at kalahati at ang m~ga gawain ay lalong nag úlol sapagka't nagdatin~gan na ang novio at ilang panaohin.
Lalong mabuti ang wika n~g binatang tulisan n~g mákita na ang dalaga'y nawalán n~g diwa, at masabi ang gayo'y kinandong at inilabás sa bintana. Apat na lalaking kasama ni Patíng ang sumaló sa pan~gahás na kapitan at matapos na makasakay sa kabayo ay sinapupo ang binibini.
Salita Ng Araw