United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindî n~ga, sacali't cayó'y tangkilikin nilá; datapuwa't magcacaroon cayó n~g m~ga hadláng cung cayo'y hindî tangkilin. Casucatán na upang madúrog na lahát ang inyóng m~ga pagsusumicap sa m~ga pader n~g bahay n~g tinatahanan n~g cura, ang iwaswás n~g fraile ang canyáng cordón ó ipagpág cayâ niyá ang canyáng hábito; itátanggui n~g alcalde bucas, sa papaano mang dahilán, ang sa inyo'y ipinagcaloob n~gayon; hindî itutulot n~g síno mang ináng pumásoc ang canyáng anác sa páaralan, at cung macágayo'y baligtád ang ibubun~ga n~g inyóng lahát na m~ga pagpapagal: macapanghihin