United States or Bangladesh ? Vote for the TOP Country of the Week !
Umalís doon si Ibarrang wari'y panatag ang loob, datapuwa'y, may taglay na unós sa úlo't caguinawán sa púso. Ang bagong namasid niya't naramdaman ay hindi mapaglirip; ¿anó caya iyón? ¿alinlangan? ¿lipas n~g pagsinta? ¿caliluhán? ¡Oh, sa cawacasa'y babae n~ga! ang canyáng ibinulong. Hindi niyá nalalama'y nacarating siyá sa pinagtatayuan n~g paaralan.