United States or Kosovo ? Vote for the TOP Country of the Week !
LUSINO. Ang magaling nito tayo ay gumaua muog na mataas, matibay na cuta sa tabi ng daan at piling ng langca ng may pañgublihan ating mga digma. Ng hindi mañganib sa tunog ng canyon añgil ng mauser, siclab ng remington sadyang pagtibayin at sa mga burol ay may daang lihim na di manunuynoy. JOSEFO. Maiguing acala.
KALINT. Abata catoto!.... at narito na daw civil at sundalo may canyon, bandera pimpiang at bombillo. LUSINO. ¿Ano ang pasiya? JOSEFO. Magcubli na tayo sa gulod at galas mga cagubatan LUSINO. Ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at civil na hunghang. Saca ang pinunong matapang sa patay.