United States or Malta ? Vote for the TOP Country of the Week !
«Sa ganitóng cahatulán sa isáng babae, canyáng susumpâin ang araw n~g pagsilang sa maliwanag n~g canyáng anác, bagay na bucód sa pagpapahaba n~g pagpapahirap ay pagsira sa m~ga damdamin n~g isáng iná. Sa casamâang palad maluwalhating nan~ganac ang babae, at sa casamâan ding palad ang sanggól na lalaki ay ipinan~ganac na matabâ. Nang macaraán ang dalawáng buwá'y guinanap ang parusang hatol n~g boong catuwâan n~g loob n~g m~ga tao, na sa ganitóng paraa'y inaacal
Nawala siyá isáng araw; nawaláng cabuluhán ang sa canya'y aking paghanap sa lahát n~g panig, nawaláng cabuluhán ang aking pagtatanóng tungcol sa canyá, hanggáng sa n~g macaraan ang anim na buwa'y aking nabalitaang n~g m~ga araw na iyón, n~g humupa ang paglaki n~g dagatan, ay nasumpun~gan sa pasigan n~g Calamba sa guitna n~g isáng palayan, ang bangcáy n~g isang dalaga, na nalunod ó pinatáy na cusa; ayon sa sabiha'y may isáng sundang na nacatarac sa canyáng dibdib.