United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ibinulóng ni Basilio ang canyáng m~ga dasál, at nahigâ sa tabí n~g canyáng iná na nananalan~gin n~g paluhód. Nacacaramdam n~g ínit at lamíg; pinagpilitang pumíkit at ang iniisip niyá'y ang canyáng capatîd na bunsô, na nag-aacalang tumulog sana n~g gabíng iyón sa sinapupunan n~g canyáng iná, at n~gayó'y marahil umíiyac at nan~gan~gatal n~g tácot sa isáng súloc n~g convento.
Sa cawacasan, sa pagtikim sa cahulihulihang pagpupumilit, sumalpóc ang puti upang ibigay ang panghuling sacsác, ipinaco ang canyang tari sa isang pacpac n~g pula at napasabit na m~ga butó; datapuwa't nasugatan ang puti sa dibdib, at ang dalawa, na capuwa linalabasan n~g dugo, nanglulupaypay, humihin~gal, nan~gagcacacabit, ay hindi nan~gagsisikilos, hanggang sa natimbuang puti, sumuca n~g dugo sa tuca, nan~gisay at naghin~galo; ang pulang nacacabit sa canya sa pacpác at nananatili sa canyáng tabi, ay untiunting ibinaluctót ang m~ga hita at marahang pumikit.
Nagisnan ni Tirsong sa may paanan niya'y dalawang matanda ang nagbubulun~gan, subali't di niya namamalayang sa dakong ulunan ay naroon si Elsang malamlam ang mukha sa taglay na hapis. Upang mapakimatyagan ang pinagbubulun~ga'y muling pumikit ang nararatay. At noon di'y kanyang naulinigan na sa may ulunan niya'y nagbungtonghinin~ga si Elsa.