United States or Togo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Muling nagtitigan na naman; caguinsaguinsa'y biglang lumipad ang puti, napaimbulog at iniwawasiwas ang pamatay na tari; n~guni't ibinaluctót n~g pula ang canyang m~ga hita at ibinaba ang úlo, caya walang nahampas ang puti cung di ang han~gin; n~guni't pagbaba sa lapag, sa pan~gin~gilag na siya'y masacsac sa licód, malicsing pumihit at humarap sa calaban.
Sa cawacasan, sa pagtikim sa cahulihulihang pagpupumilit, sumalpóc ang puti upang ibigay ang panghuling sacsác, ipinaco ang canyang tari sa isang pacpac n~g pula at napasabit na m~ga butó; datapuwa't nasugatan ang puti sa dibdib, at ang dalawa, na capuwa linalabasan n~g dugo, nanglulupaypay, humihin~gal, nan~gagcacacabit, ay hindi nan~gagsisikilos, hanggang sa natimbuang puti, sumuca n~g dugo sa tuca, nan~gisay at naghin~galo; ang pulang nacacabit sa canya sa pacpác at nananatili sa canyáng tabi, ay untiunting ibinaluctót ang m~ga hita at marahang pumikit.