United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa cawacasan, sa pagtikim sa cahulihulihang pagpupumilit, sumalpóc ang puti upang ibigay ang panghuling sacsác, ipinaco ang canyang tari sa isang pacpac n~g pula at napasabit na m~ga butó; datapuwa't nasugatan ang puti sa dibdib, at ang dalawa, na capuwa linalabasan n~g dugo, nanglulupaypay, humihin~gal, nan~gagcacacabit, ay hindi nan~gagsisikilos, hanggang sa natimbuang puti, sumuca n~g dugo sa tuca, nan~gisay at naghin~galo; ang pulang nacacabit sa canya sa pacpác at nananatili sa canyáng tabi, ay untiunting ibinaluctót ang m~ga hita at marahang pumikit.
Cung cayó'y m~ga cristiano, cung may pusò cayó, ang ipinamanhic n~g paanás, ihugos ninyó acó n~g matulin, ó ihugos ninyó sa isáng paraang sumalpóc ang aking ulo sa bató at n~g acó'y mamatáy na. Gagantihin cayó n~g Dios sa magandáng gawáng ito ... marahil sa ibáng araw ay mangyari sa inyó ang kináhínatnan co. Nagbalíc ang alférez at pinan~guluhan ang paghuhugos na tan~gan ang relós.