United States or Zimbabwe ? Vote for the TOP Country of the Week !
Natanawan nila ang maningning na dáhon n~g tari, na nagsasabog n~g malamig ang nan~gan~gazul na sinag; nagbibigay sigla sa canila ang pan~ganib, at walang ano mang tacot na nagpapanalubong ang dalawa, n~guni't sa isang hakbang na layo'y nan~gagsihinto, nan~gagtitigan, ibinaba ang ulo at muling pinapan~galinag ang canilang balahibo.
Samantala'y lumalaki ang cain~gayan, nararagdagan ang caguluhan, linulusob ang Rueda, linulundag ang m~ga gradería. Dala n~g m~ga "soltador" sa Rueda ang dalawang manoc, isang puti at isang pula, na capuwa may sandata na, baga man ang m~ga tari ay may caluban pa. Naririn~gig ang m~ga sigaw na "sa puti!", "sa puti!", may man~gisan~gisa namang sumisigaw n~g "sa pula!"
Salita Ng Araw