United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tiningnan siya ni Tarsilo n~g patan~ga. Sinicó siyá ni Bruno, at sinagót niyá itó n~g isáng ún~gol. Tan~gan n~g m~ga soltador ang m~ga manóc n~g isáng anyóng calugód-lugód, at iniin~gatan nilang huwag siláng masugatan. Dakilang catahimican ang naghahari: masasapantahang liban na lamang sa dalawang soltador ang m~ga naroroo'y pawang m~ga cagulatgulat na m~ga taotaohang pagkít.
Samantala'y lumalaki ang cain~gayan, nararagdagan ang caguluhan, linulusob ang Rueda, linulundag ang m~ga gradería. Dala n~g m~ga "soltador" sa Rueda ang dalawang manoc, isang puti at isang pula, na capuwa may sandata na, baga man ang m~ga tari ay may caluban pa. Naririn~gig ang m~ga sigaw na "sa puti!", "sa puti!", may man~gisan~gisa namang sumisigaw n~g "sa pula!"
Salita Ng Araw