United States or North Macedonia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nang malápit na siyá sa canyáng báhay ay canyáng natanawan ang m~ga capacete n~g dalawáng sundalong na sa ibábaw n~g bacuran n~g canyáng halamanan. Hindî mangyayaring maisaysay cung anó ang dinamdám n~g canyáng pusó: nalimutan niyá ang lahát. Hindî cailâ sa canyá ang canpan~gahasan n~g m~ga táong iyóng hindî nan~gagpipitagan cahi't sa lálong mayayaman sa bayan, ¿anó cayâ ang mangyayari sa canyá at sa canyáng m~ga anác na pinagbibintan~gan nan~ganácaw? Hindî m~ga táo ang m~ga guardia civil, sila'y m~ga guardia civil lamang: hindî nilá dinírin~gig ang m~ga panghihimanhic at sila'y bihasang macapanood n~g m~ga lúh

N~g panahong iyo'y nabalitaan sa isang caibigan niya, na naguing matalic namang caibigan ni doña Victorina, ang malaking pan~gan~gailan~gan n~g asawa n~g guinoong babaeng ito, ang canyang pagsinta sa bayang España at ang cagandahan n~g canyang puso. Natanawan ni don Tiburcio roon ang isang capilas na lan~git, at ipinakiusap na siya'y ipakilala cay doña Victorina.

Natanawan nila ang maningning na dáhon n~g tari, na nagsasabog n~g malamig ang nan~gan~gazul na sinag; nagbibigay sigla sa canila ang pan~ganib, at walang ano mang tacot na nagpapanalubong ang dalawa, n~guni't sa isang hakbang na layo'y nan~gagsihinto, nan~gagtitigan, ibinaba ang ulo at muling pinapan~galinag ang canilang balahibo.

Natanawan ni María Clara ang mabilog na pan~gan~gatawán ni parì Dámaso sa tabí n~g makisig na tindíg ni parì Sibyla. Hindî cumikilos sa canyáng kinalalagyán ang matalinghaga at mapanglawing si parì Salví. ¡Nalulungcot! ang ipinahiwatig ni Sinang; canyáng pinag-iisip-isip ang canyáng magugugol sa gayóng caraming m~ga panauhín.

¡Natanawan niyá ang dagat na hindî maabot n~g tanáw ang guilid na lubháng maláyò!...

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap