United States or Cook Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa isang bahay-samahan sa nayon n~g X ... ay nan~gagkakatipon na ang ilang m~ga binata ika-tatlo pa lamang n~g hapon, at palibhasay wala pa sa tadhanang ika-apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang bilang n~g m~ga kasapi upang ipagsimula n~g isang pulong kalahatang idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo, salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila datapua't sa lahat n~g m~ga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na salitaan n~g dalawa na nasa gawing dun~gawang tabing daan, kayat ang ilan sa m~ga nan~gagsisipaglakad ay nan~gapapatigil lalo na't kung mapalakas ang pan~gan~gatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang pagkakaroon n~g Dios.

Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang kapan~gahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya n~g inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog ko na upang una'y n~g wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y n~g wala na namang Peping na nag babata pa n~g m~ga kahirapan.

Isang "phse" at tin~ging pairap ni Delang ang natanaw n~g binata na siang ikinapahinto n~g kaniyang m~ga pan~gan~gatwiran kayat di na muli pang umimik ito palibhasay kinamuhian n~g kaniyang irog ang m~ga gayon niang pag mamatwid.

Wala po ang sagot naman na ipinakalilihim pa ring pilit ang kaniyang m~ga dalita palibhasay nahihiya siyang mabuksan ang m~ga aklat n~g pag-ibig na nakatago sa kaniyang puso, n~gunit sa kapipilit n~g ina ay nagsabing: "Ako po'y sawing palad" hangang dito na lamang ang m~ga naipagtapat ni Delang hangang sa sapitan sila n~g kinagabihan.

Sa isang bahay na malaki na nasa kabilang daan n~g kinatatayuan n~g Bahay-Samahan ay maraming tawo at buhat sa malayo'y walang madidinig kundi ang m~ga tawanan at m~ga paputol putol na salitaan, lahat ay masaya at gayon na lamang ang m~ga pinagpala ni Bathala sa kalupaan palibhasay ang m~ga gayon nilang pagtitipon ay nahihiyasan n~g m~ga tuksuhan at biruan n~g m~ga magkakasama.

Salita Ng Araw

pagtanungan

Ang iba ay Naghahanap