United States or Vatican City ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ako'y tutulong sa m~ga pinapasan mong dalamhati, ayaw ka ba ang ulit nanaman n~g bunso. Ninanasa na sanang magtapat ni Delang n~gunit pinigil siya n~g malaking kahihiyan sapagkat siya'y isang kapatid na matandang dapat kunang uliran sa kabutihan. ¡Delang! ¡Delang! ang m~ga tawag na mula sa labas ipinatatawag ka n~g nanay mo kayat dalidali niyang pinapahid ang m~ga luha at bago pa lumabas.

At sapagkat ang tauo po ay talagang likas sa pagkamalaya, kayat pilit ding hinahanap iyang kalayaang iyan kahit pinuputol n~g m~ga may kapangyarihan kaya't siyang nagiging dahil n~g m~ga kahirapang tinitiis n~g isang taong dapat maging malaya.

Isang "phse" at tin~ging pairap ni Delang ang natanaw n~g binata na siang ikinapahinto n~g kaniyang m~ga pan~gan~gatwiran kayat di na muli pang umimik ito palibhasay kinamuhian n~g kaniyang irog ang m~ga gayon niang pag mamatwid.

Sa isang bahay-samahan sa nayon n~g X ... ay nan~gagkakatipon na ang ilang m~ga binata ika-tatlo pa lamang n~g hapon, at palibhasay wala pa sa tadhanang ika-apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang bilang n~g m~ga kasapi upang ipagsimula n~g isang pulong kalahatang idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo, salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila datapua't sa lahat n~g m~ga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na salitaan n~g dalawa na nasa gawing dun~gawang tabing daan, kayat ang ilan sa m~ga nan~gagsisipaglakad ay nan~gapapatigil lalo na't kung mapalakas ang pan~gan~gatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang pagkakaroon n~g Dios.

Halos madurog ang puso n~g binibini sa ganitong m~ga pag mamaka-amo n~g binata, kayat napilitan ding itaas ang kaniyang m~ga matang pinapun~gay n~g dalamhati at nagbigkas: Kayo po'y maka-aasa na at wala n~g maghahari sa aking puso kung di kayo.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap