United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa isang bahay-samahan sa nayon n~g X ... ay nan~gagkakatipon na ang ilang m~ga binata ika-tatlo pa lamang n~g hapon, at palibhasay wala pa sa tadhanang ika-apat at sapagkat wala pa din naman sa tadhanang bilang n~g m~ga kasapi upang ipagsimula n~g isang pulong kalahatang idadaos nila, kayat wala pa sa kaayusan ang pagtitipon, gulong gulo, salitaan dito, tawanan doon, biruan dito at kalabitan sa kabila datapua't sa lahat n~g m~ga gayong umpukan ay nanaig ang malakas na salitaan n~g dalawa na nasa gawing dun~gawang tabing daan, kayat ang ilan sa m~ga nan~gagsisipaglakad ay nan~gapapatigil lalo na't kung mapalakas ang pan~gan~gatwiran nitong isa na tinututulang mahigpit ang pagkakaroon n~g Dios.
Sa di kawasa'y nakásalubong sila n~g isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katan~gian at mandi'y umaanyayang siya'y pakagalan~gin, datapwa't ang sibul na marun~gis na budhing taglay n~g apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang pagliban~gan~g uruyin ang kagalang-galang na matandâ. Ang isa sa kanílá ay siyang unang umaglahi.
Salita Ng Araw