United States or Turkmenistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pagtatapat ko'y di mo minarapat ang kawikaan mo, ako'y isang hamak, ang naging ganti mo sa aking paglin~gap ay isang libin~gan at kurus n~g hirap. Ang hamak n~ga nama'y hindi naaayos umibig sa isang Reyna n~g Kampupot, ang hamak na palad ay dapat umirog sa kaisa niyang hamak di't busabos .
Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang kapan~gahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya n~g inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog ko na upang una'y n~g wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y n~g wala na namang Peping na nag babata pa n~g m~ga kahirapan.
Nagpakamatay siya sapagka't ang pagsusukab na iyon ng kaisangpuso ay hindi na niya nais pang masilayan upang huwag makapagbigay sa kanyang kalooban ng marungis na lusak ng kapalaran. Nagpakamatay siya sapagka't ninais niya ang mangilag sa kataksilang ginawa sa kanyang pagkatao ng kanyang kaisa na ang pagtataksil na iyon ay magbubunga ng kung ano anong masasamang kasiraan sa isang tao.