United States or Saint Martin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang kapan~gahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya n~g inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog ko na upang una'y n~g wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y n~g wala na namang Peping na nag babata pa n~g m~ga kahirapan.
N~guni't di napigil, sigabo n~g poot, patakbong lumapit sa nagkukukutkot; «¿Sino kang pan~gahas, lilong gagambala, kay Tuning kong irog? na namamayapa sa kanyang pagtulog?...» Tugon n~g Rupertong wikang tumatan~gis «¡Ay Tuning!... ¡ay Tuning! ¡maawa ka lan~git!...» at tuloy lumuhod, sa harap ni Osong at siya'y humalik kasabay n~g yakap na lubhang mahigpit.