United States or Libya ? Vote for the TOP Country of the Week !
Subali't ang lahat, di man sumagimsim sa diwa at puso n~g magandang Tuning, natan~ging nagdiwang sa kanyang isipang naglayag sa aliw na «siya'y yayaman kay Rupertong piling.» Sampu ni Ruperto'y di kaya ang lugod sa pagka't kakamtan ang aliw n~g loob; boong pananalig: ang kanyang si Tuning ay piling alindog at wala pang dun~gis sa n~galang pagirog.
Kapag salapi n~ga ang siyang nagutos ay payayanigin itong sangsinukob, at sa pagka't kasal n~g isang Rupertong sa yaman ay bantog kung kaya ang handa'y di masayodsayod. Papanhikang bahay ay sakdal n~g dilag at sa palamuti'y natatan~ging agad; palibhasa'y yaman, ang siyang naghari, ang siyang nagatas kaya nagigitla panauhing lahat.
N~guni't di napigil, sigabo n~g poot, patakbong lumapit sa nagkukukutkot; «¿Sino kang pan~gahas, lilong gagambala, kay Tuning kong irog? na namamayapa sa kanyang pagtulog?...» Tugon n~g Rupertong wikang tumatan~gis «¡Ay Tuning!... ¡ay Tuning! ¡maawa ka lan~git!...» at tuloy lumuhod, sa harap ni Osong at siya'y humalik kasabay n~g yakap na lubhang mahigpit.