United States or Moldova ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaya, itinumpak at ginawang "nakaligtaan ko" ng "Kun sino ..." at ni P. Sayo. Marami ang makikitang ganito sa aklat na ito na sakali mang hindi kasagwaan, nang panahon ni Balagtas, ay itinuturing na nating isang kasagwaan, sapagka't nakasusugat na sa pangdingig ngayon.
Nguni't ang ganitong pagbabago ay nakaligtaan sa dakong unahan: ang "ó nanasang irog" ay hindi binago. Hindi ginawang "óh, nanasang irog!" DINIDILIG. Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nadidilig". "Bagong taoung basal, na ang anyo,t, tindig". Sa iba ay "Bagong taong basal, ang anyo at tindig". CASAM AN. Sa "Kun sino ..." ay "kasamaan", na nakasira sa bilang ng pantig.
Hindi namin matiyak ngayon, kung ang "voces" ay sadyang nasa "Floranteng" sinipi namin. May paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa "boses" ng nasa "Kun sino ..." at bagama't nabago namin ang "b" ay nakaligtaan na ang unang "s" at di nagawang "c". At ang paniwalang ito ngayon ay lalong pinagtitibay ng mga kasalit na "voces" sa iba't ibang dako.