United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi namin matiyak ngayon, kung ang "voces" ay sadyang nasa "Floranteng" sinipi namin. May paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa "boses" ng nasa "Kun sino ..." at bagama't nabago namin ang "b" ay nakaligtaan na ang unang "s" at di nagawang "c". At ang paniwalang ito ngayon ay lalong pinagtitibay ng mga kasalit na "voces" sa iba't ibang dako.

Hindi namin matiyak kung talagang ganito ang sinipian namin, o kung natularan lamang namin ang ganyang nasa "Kun sino ..." Nguni't kay P. Sayo ay dinagdagan ng "hin" ginawang "kung hindi" ang "cundî" upang maging tama lamang ang bilang. Dapuwa't pabaligtad na lumabas. Salungat sa ibig sabihin ni Balagtas, at sinsay sa tumpak na paggamit ng "kundi" at ng "kung di". Iba ito at iba yaon.

Datapwa't sa pagdalo kayang yaon ay matiyak din agad nila kung sino ang may kasalanan? Sino kaya roon ang kanilang paguusigin? Paglapit ng dalawang pulis na magsisiyasat ay paraparang natahimik ang lahat. Naghari ang mga sandaling walang nagsasalita man lamang. Ano kaya at sino ang tatanungin doon? Wala namang matiyak ang tinamaan kung sino ang may gawa ng kasakunaan umabot sa kanyang katawan.

Sino nga kaya ang mananagot? Wala, wala sapagka't ang may masamang budhi ay di nakita. Wala sapagkat walang matiyak ang mga maykapangyarihan, kung sino ang may kagagawan ng pangyayaring yaon. Wala, sapagka't hindi matiyak nino man at ni hindi rin matiyak ng tunay na tinamaan.

Mayroon n~ga po.... ¿Ay saan nagtun~go? Aywan po ba; ang boong asa ko'y talagang ang nasusundan natin. At si Dr. Nicandro'y halos hindi makapagsalita sa pagiihit n~g tawa. ¿Ano, G. Martinez, ibig ninyong magbalik tayo sa Pasay upang matiyak kung siya n~ga o hindi ang ating nakita? ang tanong makailang saglit.

Wala ka bang nakakasamaang loob dito? Wala po. Hindi mo na matiyak kung saan nagbuhat ang punglo? Datapwa't ang tanong na ito ay hindi nasagot ng binata. Nakatalikod siya ng tamaan. Samakatwid ay sa kanyang likod nagmula. Nguni't hindi rin naman niya matiyak ng lubusan.

Unaunang marapat niyang matiyak ay kung, hanggang saan ang taglay na katotohanan n~g m~ga ipinahayag sa kanya ni Martinez. Kinakailan~gan niya ang patotoo n~g kahi't isa man lamang saksi, kung baga sa isang usaping nililitis sa hukuman, upang mabigyan niyang halaga ang m~ga balitang kanyang tinanggap.

At, ang dalawang pulis ang siyang nagtatanong ng mga bagaybagay sa pangyayari kay Pako, kung sino ang may kagagawan noon ay walang matiyak naman ang ating binata, sa katotohanan, hindi niya nakita ang may masamang hangad na iyong napoot sa kanya. Makalipas ang ilang sandali, ay dalawang malaking lalaki naman ang lumapit, na, waring humawi sa salipunpon ng mga tao.

Saan ma~g bayan sumilá~g si Pinpin, ay nakasísiyá na sa amin a~g matiyák na siya'y isá~g Tagalog at siyá~g káunaunaha~g manunulat na naghandóg n~g isá~g mahalagá~g aklát n~g sini~g, sa kapakinaba~gan n~g kanyá~g m~ga kalahi.

Ang dalawang ito ay kapwa makisig: mga sekreta pala. Sila naman ang nagkuha ng tanong sa tinamaan, nguni't ni hindi rin matiyak kung sino ang may kagagawan. Sino ang may kagagawan ng ganito? Hindi ko po maalaman. Bakit pinatamaan ka ng punglo? Wala po akong malay; papauwi na lamang ako nang hindi ko hinihintay ay nangyari nga ang sakunang ito. Mayroon ka bang kaalit? Wala po akong nalalaman.